ADVISORY TO FILIPINO NATIONALS
The Philippine Consulate General in Hong Kong SAR informs the Filipino Community and visiting Filipino nationals in Hong Kong SAR that the Hong Kong government has agreed to hold a dialogue with student leaders on Tuesday, 21 October 2014.
The Consulate reiterates its advice to all Filipinos in Hong Kong SAR to take extra caution and continue to avoid areas of protest actions, specifically in the areas of Harcourt Road in Admiralty and Mong Kok. Violent confrontations have occurred in Mong Kok in the past three days and it is becoming a high risk area.
The Consulate continues to monitor developments and will issue advisories accordingly.
20 October 2014
PAALALA SA MGA FILIPINO
Ipinagbibigay-alam ng Konsulado Panlahat ng Pilipinas sa mga Filipinong naninirahan at bumibisita sa Hong Kong SAR na pumayag ang Pamahalaan ng Hong Kong SAR na makipag-usap sa mga namumunong mag-aaral sa Martes, ika-21 ng Oktubre 2014.
Inuulit ng Konsulado ang mungkahi sa lahat ng mga Filipino na nasa Hong Kong SAR na dagdagan ang pag-iingat at ipagpatuloy ang pag-iwas sa pagpunta sa mga lugar kung saan mayroong kilos protesta, lalo na sa Harcourt Road sa Admiralty at sa Mongkok. Nagkaroon sa Mongkok ng mga paghaharap na mayroong karahasan nitong nakaraang tatlong araw, at tumataas ang panganib sa lugar na ito.
Patuloy na nagmamatyag ang Konsulado sa mga kasalukuyang kaganapan at magpapalabas ng mga paalala kung kinakailangan.
Ika-20 ng Oktubre 2014