Ang pulisya ng Hong Kong ay patuloy na nakakatanggap ng mga ulat galing sa publiko ukol sa paglaganap ng pagsusugal sa hanay ng mga Pilipino sa iba't ibang parte ng Hong Kong. Ang pulisya ng Hong Kong ay kasalukuyang gumagawa ng aksyon laban sa mga gawaing ito, kaugnay na rito ang pag-aresto sa mga Pilipinong matatagpuang nakikilahok sa pagsusugal. Pinapakiusap ng pulisya sa publiko na maging mapagmatyag at magbigay ng impormasyon sa anumang ilegal na pagsusugal.
Iminungkahi ng Konsulado ng Pilipinas dito sa Hong Kong sa lahat ng Pilipino na naglalaro ng baraha sa mga walkway, daan at parke na umiwas sa anumang uri ng pagsusugal.
Ayon sa Ordinansya ng Hong Kong tungkol sa Pagsusugal, ang sinumang maaresto ng pulisya sa akto ng ilegal na pagsusugal sa kalye ay mahahatulan ng korte sa unang pagkakataon ng pagmumulta ng HK$10,000 at pagkabilanggo ng tatlong buwan. Sinumang mahatulan ng korte sa ikalawang beses ay magbabayad ng multa ng HK$20,000 at pagkabilanggo ng anim na buwan. Sa ikatlo at sa mga susunod na pagkakahatol, ang parusa ay aabot sa pagbayad ng multa ng HK$30,000 at pagkabilanggo ng siyam ng buwan.