Malugod na inihahandog ng Konsulado ng Pilipinas sa Hong Kong, sa pakikipagtulungan ng Integrated Bar of the Philippines, ang mga sumusunod na “video lectures” sa mga pangunahing paksa:
- Karapatan at Pananagutan ng mga Mag-Asawa sa Isa’t Isa at sa Kanilang Mga Anak (Rights and obligations of spouses towards each other and towards their children), tinalakay ni Atty. Marvin Urmenita;
- Implikasyon ng Hatol ng Korte sa Iba’t Ibang Uri ng Petisyon Upang Mapawalang-Bisa ang Kasal at Mga Sitwasyon na Paghihiwalay ng Mag-asawa nang Walang Hatol ng Korte (Legal implications of obtaining a judgment on annulment or declaration of nullity of marriage, vis-à-vis a judgment on legal separation of spouses, vis-à-vis de-facto separation of spouses), tinalakay ni Atty. Danny Gapasin;
- Mga Samahan na Nagbibigay ng Libreng Tulong-Legal Para sa Mga Dukha (Organizations that may provide free legal assistance to indigent clients), tinalakay ni Atty. Eric Alajar.
Nilalayon ng mga “video lectures” na ito na mabigyan ng karagdagang kaalaman at payong legal ang ating mga kababayan na nasa Hong Kong ukol sa mga paksang madalas na hinaharap ng mga tulad nila na nangingibang-bayan at lalo na sa mga panahong ito na limitado ang pagbibiyahe dahil sa patuloy na lumalaganap na epidemya sa buong mundo.
Ang “Idulog Mo Kay Atorni” ay isang taunang aktibidad ng Konsulado at IBP sa ilalim ng Gender And Development (GAD) na programa ng Konsulado.